The most awaited out of town trip! Hello Cebu City!
Actually, hindi naman talaga namin pinlano na pumunta ng Cebu, salamat lang talaga sa Air Philippines kasi nagkaron sila ng promo na 100 at sakto nakaavail kami ng roundtrip noong August 12-14, 2011. From work to airport, wala pa kong tulog nito tas hindi pa ko makatulog dala na din ng excitement.haha ^^,
Ilang oras na lang hello Cebu na!
Air Philippine tickets
Danao Terminal
1. From Cebu City sasakay ng jip papuntang Mactan Island then baba dun sa sakayan ng jeep pa Danao( 1 hr ung travel time).
2. From Danao, walking distance na lang dun sa Terminal ng mga shuttle ferry. 200 ung pamasahe(one-way) + 5 ung terminal fee papunta and may mga schedule din ung mga biyahe, kaya advisable na icheck muna sa mga site kung wat time ung biyahe para maabutan mo at hindi na magantay ng matagal. 1pm na kami nakarating kaya hindi na namin naabutan ung biyahe ng Danao-Consuelo so sa Poro ung babaan namin (medyo malayo ung poro sa consuelo kaya matagal din ung biyahe). Kapag sa Consuelo (2 hrs ung travel time) at kapag sa Poro (3hrs+ ung travel time).
Shuttle ferry tickets
Pagdating namin sa island, may nagaantay na saming sundo..kinontrata kasi kami ni kuya na nagtatrabaho sa ferry na may kaibigan daw siya na itotour kami sa island dahil nga wala masyadong sasakyan dun (mukha ngang walang mga sasakyan, malimit ang mga van/kotse dun, ung iba nakamotor lang kaya mahirap sumakay) From 2k na offer nya, bumaba sa 1500 (note: wag agad bibigay sa tawad hangga't hindi ung presyo na gusto mo ung ibigay..hehehe)From Poro port, diretso kami sa paghahanap ng tutuluyan at napunta nga kami sa Mangodlong Rock Resort. Eto na ata ung magandang place to stay sa island na to kasi kumpleto ng amenities, may pool, may dagat, may food (mahirap maghanap ng kakainan so dun na mismo kami kumain sa resto nila).
Simple at tahimik ang buhay sa Camotes, walang masyadong sasakyan, walang signal, walang internet, puro puno, tanim, hayop, makitid ang daan, makikita mo ung mga bata naglalakad galing skul, masarap langhapin ang hangin, at marami pang iba.
Me @ Mangodlong Rock Resort
Dinner time :)
Breakfast: cornsilog
2nd stop: Timubo Cave - sa loob ng kuweba pedeng maligo, malinaw ung tubig pero mabato. Enjoy naman ung pagliligo namin sa loob. Pumasok kami na tuyo, lumabas kami ng basa. hehe :D
entrance sa cave
After naming makaligo at makapagaus, go naman kami sa second trip namin ang Doce Pares Zipline at Sky Adventure.
1st stop: Doce Pares Zipline - 200 (400 meters roundtrip) Eto na ang pinakasulit at pinakamahabang zipline na tinry ko. Sumakay kami ng motor para makaakyat sa taas ng bundok (feeling ko nasa Baguio lang ako nung oras na un). Infairness, masarap bumiyahe ng nakamotor.
Maica & Sarah w/ manong driver.
excited much..hehe
Ready. Get set. Gooooooooo. :)
Preview ng aking pagzizipline, thanks to KC! ;D
Dapat mamimili muna kami ng mga pasalubong dahil gabi pa kami pupunta ng Crown, kaso malayo ung bibilhan at delikado so napunta kami sa Gaisano Mall at bumili ng souvenir tshirt na I <3 CEBU.
I <3 CEBU
-1 dahil hindi sumakay si KC.
ako ng nagsolo sa edge coaster (katakot ung feeling nung nakasakay na ko at kita ko ung buong city, feeling ko malalaglag ako, partida wala pang seat belt yan) :))
wala kaming shot sa skywalk, mahal din ung bayad sa pics kaya hindi na namin inavail, kuntento na ko sa certificate ko..haha (sayang hindi gumana ung pacharming ko kay kuyang photographer, usb na lang sana oh!)
5am kami nakarating ni KC sa Mactan Airport then around 6am kami nakarating ng Manila, tas nakita ko may sign ng free shuttle papuntang Resorts World Manila, then sumakay kami dun tas pagkatapos naming kumuha ng membership card umuwi na kami, super pagod at antok ang nararamdaman ko pagkauwi ko ng bahay. hehe :)
Aun na, dito na natatapos ang Cebu Trip..See you again on my next trip! :)