2011/06/03

Trip to Puerto Galera

Hello Puerto Galera!
Dahil dito unti-unti ko ng natutupad ang pangarap kong maging katulad ni Dora. haha :D
First time ko sa lugar na 'to kasama ang family.
Saturday morning kami pumunta from Batangas Port sumakay kami ng boat na less 2 hours ang biyahe *depende sa bagal ng bangka*..Nakakainip ung biyahe kasi nakikita ko lang ung dagat at bundok.

@Terminal 3, Batangas Port

wala pa ung bangka na sasakyan namin nung mga oras na yan

me w/ Czian

w/ family

nung may mga nakikita na kong mga bahay or beach resort akala ko bababa na kami, un pala meron munang unang terminal para sa mga taong bababa sa lugar na un then after nun ung mismong Puerto Galera na. About 30 minutes pa ata ung biyahe papuntang PG from here.

Anyways, around 12am na ata kami nakarating mismo sa Puerto Galera and super init. Inantay ko munang medyo mawala ung araw bago magswimming sa dagat.


Hello Puerto Galera! :D

Ang ganda ng buhangin at ang clear ng tubig! *para na din akong nagbora*. :D

White Beach Hotel and Restaurant


Lunch time! Umorder ako ng Pork Teriyaki w/ Egg and Unlimited Rice (99)

Madami din kainang pwedeng pagpilian pero ang mga pagkain mostly is worth Php100 up, kaya kumakain kami sa may unlimited rice para matagal mabusog. haha, Ang sarap din ng nakainan naming lomi na worth Php60 pero good for 3-4 persons na ata yun.

Then around 4pm nagswimming na kami


me w/pia and kuya

Hindi ako nakapagnight life nung kinagabihan dahil biglang umulan *panira ng gabi* kaya ang ginawa ko natulog na lang ako para maaga akong magising at makapagbabad sa dagat habang wala pang araw.
Then Saturday morning, swimming ulet


me w/ family


enjoying the white sand :)

@ Mindorinne Oriental

After ng swimming, palalampasin ko bang hindi bumili ng souvenir, as usual bumili ako ng t-shirt na I Love Puerto Galera. Mura lang ang mga t-shirts and souvenirs dito. For white shirt (100) and for colored shirt (110). Nakabili ako ng isang white at isang red tapos bumili din ako ng black shirt na same print ng white ko para naman kay KC *oha! couple shirt* hahaha. :)

I heart Puerto Galera

Then 2:30 ang pauwi namin pabalik ng Batangas Port. Mahigit 2 hours ung biyahe namin pauwi dahil na din maalon nung hapon na kaya medyo mabagal ung bangka.
Kahit medyo nawalan ako ng mood nung pauwi nagenjoy naman ako.
For more pics of our PG trip, you can view it here. :)

Till next trip! :)