2011/08/29

Trip to Cebu

The most awaited out of town trip! Hello Cebu City!
Actually, hindi naman talaga namin pinlano na pumunta ng Cebu, salamat lang talaga sa Air Philippines kasi nagkaron sila ng promo na 100 at sakto nakaavail kami ng roundtrip noong August 12-14, 2011. From work to airport, wala pa kong tulog nito tas hindi pa ko makatulog dala na din ng excitement.haha ^^,

Ilang oras na lang hello Cebu na!

Air Philippine tickets

Mga 7am na kami nagdepart sa NAIA Terminal 3 then mga 8am kami nakarating sa Cebu. Nauna samin sila sarah at maica makarating dun dahil gabi sila umalis, so hindi kami sabay-sabay umalis. Tas first stop namin ung Magellan's Cross, dun na din kami nagkita kita. Ang tindi ng sikat ng araw ng mga oras na yan, tas puro Koreans pa ung mga nagtotour dun (akala ko nasa korea na ko).


me @ Magellan's Cross



Then diretso kami ng Camotes Island para sa aming unang araw sa Cebu. Hindi namin alam ung way papunta dun, gang sa tanung-tanung hanggang sa marating namin ung sasakyan. Only in Cebu na makakakita ako ng jip na may 3 o 2 konduktor, tas kapag wala ng upuan ung pasahero meron silang nakahandang bangko, tas kapag ayaw sumakay nung pasahero, pipilitin nila gang sa sumakay..(nakakatuwa ang mga cebuano, ang sisigla).

Danao Terminal

How to go to Camotes Island:
1. From Cebu City sasakay ng jip papuntang Mactan Island then baba dun sa sakayan ng jeep pa Danao( 1 hr ung travel time).
2. From Danao, walking distance na lang dun sa Terminal ng mga shuttle ferry. 200 ung pamasahe(one-way) + 5 ung terminal fee papunta and may mga schedule din ung mga biyahe, kaya advisable na icheck muna sa mga site kung wat time ung biyahe para maabutan mo at hindi na magantay ng matagal. 1pm na kami nakarating kaya hindi na namin naabutan ung biyahe ng Danao-Consuelo so sa Poro ung babaan namin (medyo malayo ung poro sa consuelo kaya matagal din ung biyahe). Kapag sa Consuelo (2 hrs ung travel time) at kapag sa Poro (3hrs+ ung travel time).

Shuttle ferry tickets


solo namin ung taas ng ferry.

Pagdating namin sa island, may nagaantay na saming sundo..kinontrata kasi kami ni kuya na nagtatrabaho sa ferry na may kaibigan daw siya na itotour kami sa island dahil nga wala masyadong sasakyan dun (mukha ngang walang mga sasakyan, malimit ang mga van/kotse dun, ung iba nakamotor lang kaya mahirap sumakay) From 2k na offer nya, bumaba sa 1500 (note: wag agad bibigay sa tawad hangga't hindi ung presyo na gusto mo ung ibigay..hehehe)

From Poro port, diretso kami sa paghahanap ng tutuluyan at napunta nga kami sa Mangodlong Rock Resort. Eto na ata ung magandang place to stay sa island na to kasi kumpleto ng amenities, may pool, may dagat, may food (mahirap maghanap ng kakainan so dun na mismo kami kumain sa resto nila).



Simple at tahimik ang buhay sa Camotes, walang masyadong sasakyan, walang signal, walang internet, puro puno, tanim, hayop, makitid ang daan, makikita mo ung mga bata naglalakad galing skul, masarap langhapin ang hangin, at marami pang iba.

Me @ Mangodlong Rock Resort




tampisaw sa dagat..

hindi nakuha ung jumpshot..haha

Ung room namin is 1700 w/ single and double bed, aircon, TV, bathroom. Dahil pagod at gutom, hindi muna kami nagtour ngayong araw, bukas na lang. Buong gabi kami nagstay sa resort, kumain na parang wala ng bukas. Oks naman ung mga foods kahit medyo may kamahalan. Sulit na din dahil nabusog naman ako..hehe :D

Dinner time :)




Second day of our tour, 5am na ata kami nagising then picture-picture muna sa resort (hindi nga lang kami nakaligo sa dagat)  then we had our breakfast bago umalis.

Breakfast: cornsilog

1st stop: Lake Danao Park - one of the hidden treasures ng Camotes Island, ngayon ko napagtanto na napakaswerte ng Pilipinas sa yamang tubig. Ang lawak lawak nung lugar.




2nd stop: Timubo Cave - sa loob ng kuweba pedeng maligo, malinaw ung tubig pero mabato. Enjoy naman ung pagliligo namin sa loob. Pumasok kami na tuyo, lumabas kami ng basa. hehe :D

entrance sa cave




Kelangan na namin bumalik sa Consuelo Port ng 10am para makasakay kami dun sa trip ng pang umaga. We headed back sa Cebu City around 2am (Note: nakakapagod bumiyahe) then diretso kami sa Sampaguita Plaza Suites para magcheck in. (Recommended ko 'tong place na 'to since malapit lang siya sa pasyalan and may mga jeep na paglabas at affordable naman ung mga rooms).

After naming makaligo at makapagaus, go naman kami sa second trip namin ang Doce Pares Zipline at Sky Adventure.

1st stop: Doce Pares Zipline - 200 (400 meters roundtrip) Eto na ang pinakasulit at pinakamahabang zipline na tinry ko. Sumakay kami ng motor para makaakyat sa taas ng bundok (feeling ko nasa Baguio lang ako nung oras na un). Infairness, masarap bumiyahe ng nakamotor.

Maica & Sarah w/ manong driver.

excited much..hehe

Ready. Get set. Gooooooooo. :)


Preview ng aking pagzizipline, thanks to KC! ;D



Dapat mamimili muna kami ng mga pasalubong dahil gabi pa kami pupunta ng Crown, kaso malayo ung bibilhan at delikado so napunta kami sa Gaisano Mall at bumili ng souvenir tshirt na I <3 CEBU.

I <3 CEBU

2nd stop: Sky Adventure @ Crown Regency - 750(entrance + edge coaster and skywalk), kaming tatlo lang nila Sarah at Maica ung nagtry na gawin 'to since si Kc ay masakit daw ang ulo kaya hindi nakasama samin..(sayang!)

-1 dahil hindi sumakay si KC.


ako ng nagsolo sa edge coaster (katakot ung feeling nung nakasakay na ko at kita ko ung buong city, feeling ko malalaglag ako, partida wala pang seat belt yan) :))



wala kaming shot sa skywalk, mahal din ung bayad sa pics kaya hindi na namin inavail, kuntento na ko sa certificate ko..haha (sayang hindi gumana ung pacharming ko kay kuyang photographer, usb na lang sana oh!)

Eto na ung huling gabi namin ni KC sa Cebu dahil babalik na kami ng Manila ng mga 5am (nagsisisi ako ng marealize ko na panget ung nakuha kong sked pauwi, hindi namin naenjoy ung Sunday at hindi ko natry kumain sa Larsian, next tym na lang..hehe) at sila sarah at maica naman ay hanggang Monday pa, so sila na ung bahalang bumili ng pasalubong namin. :D

5am kami nakarating ni KC sa Mactan Airport then around 6am kami nakarating ng Manila, tas nakita ko may sign ng free shuttle papuntang Resorts World Manila, then sumakay kami dun tas pagkatapos naming kumuha ng membership card umuwi na kami, super pagod at antok ang nararamdaman ko pagkauwi ko ng bahay. hehe :)

Aun na, dito na natatapos ang Cebu Trip..See you again on my next trip! :)
For more pics, visit Cebu Part 1 and Part 2.

2011/08/27

Trip to Batangas: Canyon Cove Resort

Eto na naman ako at nagbabalik. :)  Sobrang busy ko lang this past few months kaya hindi ko magawang maupdate 'tong blog ko every month..I'll try my best to update it basta may oras (at kung may ibablog)! :D

Family outing / Papa's birthday @ Canyon Cove Beach Club Resort
Salamat sa aking kuya dahil binigyan nya kami ng GC for day tour swimming. Nakarating kami sa resort bandang tanghali na din and medyo malayo din ung place pero sulit naman once makapasok sa loob.

stopover @ Chowking for lunch

Well, wala akong ginawa kundi magpicture ng magpicture sa lugar lalo na sa pool nila (super ganda at malinis), konti lang din ung tao not like sa ibang resort na madaming nagsiswimming, mostly ng mga nandun is mga tourists. Meron silang 2 swimming pools (isang malaki at isang maliit pero parang infinity pool) tas meron din silang white sand beach w/ clear water, good for family outing talaga..

Poolside view





Me @ main pool *thumbs up*



Me @ the second pool

white sand beach w/ clear water

Pia while playing the sands

For day tour guests, hanggang 5 pm lang pwedeng magswimming, so maaga kaming natapos at nakaalis ng Nasugbu. 

        
Picture-picture w/ family

love the place!<3

Then after nun nagstopover muna kami sa Tagaytay para kumain ng dinner (Bulalo, Crispy Pata, Tilapia). Busog sa sarap!

At dito natatapos ang bday ng Papa ko. ^^, For more pictures just visit -> Canyon Cove
Till next trip! :)