2014/04/09

Davao Trip: Itinerary & Travel Expenses

Date: March 22-25, 2014
No. of Persons: 8

Day 1
2:00 pm ETD manila - 3:50 pm ETA Davao (via Air Asia Zest)
4:30 pm - Check in at Green Windows Dormitel
5:30 pm - People's park
6:00 pm - Dinner @ Jack's ridge
Free time

Day 2
7:30 am - Check out
8:00 am - Transfer to samal island / Lanang beach club
9:30 am - 4:00 pm - Samal Tour (Hagimit falls, Maxima resort, Monfort bat cave, White house)
4:00 pm - check in at Blue water beach resort
Free time

Day 3
6:00 am - Check out at Blue water
7:00 am - Transfer to davao city
7:30 am - Check in at Green Windows Dormitel
7:45 am - Commute going to crocodile park
9:00 am - Start of rafting
5:30 pm - Aldevinco shopping center
Free Time

Day 4
10:00 am - Check out at Green Windows Dormitel
11:00 am - 6:00 pm - Davao tour (Eden nature park, Philippine Eagle, Lola Abon's, Statue of David, People's Park) 
8:00 pm - ETD Davao
11:20 pm - Arrival in Manila

Expenses
Transportation - 5650 / 706.25 pax + taxi (300) =  1,006.25 pax
Hotel - 13000 / 1625 pax (good for 3 nights)
Rafting - 1500
Entrance fees (all attractions) - 395 pax
Meals - 1200 pax
Pasalubong - 1000 pax
Air Asia ticket - 1,394
Terminal Fee (Davao) - 200

MY TOTAL ESTIMATED BUDGET FOR A 4D3N IN DAVAO: PHP 8,320.25

For reference: (you can also reach them thru this number)
Multicab (Samal) - 1800/day (09103411539)
Van (Davao) - 3150/day - Davao tour (09228732759)
Rafting - 1500/pax (09236586048)
Blue Water - (0932477066)

Trip to Davao

First travel for the year 2014! hooray! :)

Another Mindanao destination na naman ang napuntahan ko at ang last local destination ko para sa taong 2014. (looking forward sa mga next trip ko this year!). Thank you sa Air Asia Zest para sa aming promo ticket. Sa next post ko ishashare ung itineray namin. :)

Kapag sinabing Durian, isang lugar lang pumapasok sa isip ko at ito ay ang Davao city. Dito ko natikman ang iba't ibang klase ng Durian flavor mula sa kape, cake, ice cream, at candy. Ang Davao ay isa sa mga lugar na masasabi kong malinis at disiplinadong lugar sa Pilipinas.

Day 1: People's Park at Jack's Ridge

From Manila to Davao, mga 1 hour and 30 minutes ung biyahe namin at buti na lang hindi nadelay ung flight namin kahit na umuulan sa Davao. Around 3:30 PM na kami nakarating sa Davao International airport at from here nagtravel kami ng less than 30 minutes papunta sa aming hotel. Recommended ko ang Green Windows Dormitel lalo na sa mga budget travellers, meron silang mga dorm type room na 188/night/person at meron din silang private rooms na mala-hotel ang itsura. Ang kagandahan rin nito ay centrally located siya sa mga lugar na gusto mong puntahan tulad ng People's park, Bangkerohan market, Aldevinco, at marami pang iba. Kung magtaxi kayo, sabihin nyo lang FTC tower at alam na nila un.

bound to Davao with officemates & officemate's friends

welcome to Davao city w/ my travel buddy

@ FTC tower

After namin makapagcheck in, pumunta na kami sa People's park. From Green Windows nilakad lang namin ung People's park. Libre lang ang entrance fee sa loob kaso nung time na yun hindi na kami nakapagikot sa loob kasi nagsisimula ng pumatak ang ulan kaya nagdesisyon na kaming umalis at bumalik na lang sa mga susunod na araw. Next stop ay ang Jack's Ridge. From People's park nagtaxi kami papuntang Jack's ridge at less than 100 php lang ung binayad namin. Kagandahan din dito sa mga taxi sa Davao ay hindi sila nagpapabayad ng malaki, hindi namimili ng pasahero, at higit sa lahat nagbibigay sila ng tamang sukli. :) Perfect place ang Jack's ridge para makita ang magandang view ng Davao city, kumain at tumambay kasama ang pamilya at mga kaibigan. Meron ding coffee shop dito na nagseserve ng mga exotic drinks like Durian, Mangosteen, Langka, at marami pang iba.

1st stop: People's park




view @ Jack's Ridge




Dinner time @ Taklobo restaurant

end of my 1st day in Davao. :)

Day 2: Samal Island

Next morning nagtungo naman kami sa Samal island para sa aming overnight stay at Samal tour. From Green Windows, nagtaxi ulit kami papuntang Lanang Davao Beach Club at dito kami sasakay papunta sa Blue water beach resort. If dito kayo magpapareserve ng room, meron silang boat na maghahatid at magsusundo sa inyo at sa mismong beach resort na kayo ibaba, mas better if iadvise nyo sila kung what time kayo magpapasundo para maready agad nila yung boat.

@Lanang beach club


docking area straight sa Blue water resort

Iniwan muna namin ung gamit namin sa resort at nagstart na kaming magtour. Nagrent ako ng multicab good for 8 persons for only 1800/day. Pinuntahan namin ay ang bat cave, hagimit falls, maxima resort, at ang white house. Around 4 pm na ulit kami nakabalik sa resort para makapagpahinga.

1st stop: Bat sanctuary

ang napakadaming paniki.



2nd stop: Hagimit Falls

laging tatandaan na mag ingat lalo na sa mga falls na katulad nito. Safety first :)


3rd stop: Maxima Aquafun resort.
At first kinabahan talaga ako pero nung natry ko na, ang sarap pala. haha :)



Last stop: White house. 
Medyo creepy siya nung makita namin yung bahay mula sa aming sasakyan.

Chillax time sa pool. Sorry walang sunset dahil nagsisimula ng umulan ng oras na yan.

Day 3: Davao Wild Water Rafting

Eto ang second time ko itatry magrafting, ung una ay nung nasa CDO ako. Actually mas maraming freebies ung rafting dito sa Davao compared sa CDO, included sa binayaran ko ung 3 entrance ticket (crocodile, butterfly, at tribu k'mindanawan), 1 zipline, 1 souvenir t-shirt kaya sulit na sulit. From crocodile park bumiyahe kami ng 1 hour papunta sa aming starting point. If hindi ako nagkakamali, 26 or 28 rapids ata ung dinaanan namin hanggang sa pinakalast point. As usual, before magstart kelangang magsunblock kung ayaw nyo magkasunburn. :)

briefing muna bago magstart

The paddlers

Let the rapids begin! :)




free packed lunch. Mala-survivor ang dating :p

end of rafting w/ our guide.

freebies from Davao wildwater adventures

Day 4: Davao Tour

Para sa huling araw ng bakasyon ko sa Davao, siyempre hindi mawawala ung city tour. Kasama si KC ay nagtungo kami sa Eden Nature Park, Philippine Eagle, Lola Abon's pasalubong, Statue of David, at People's park. Then after ng tour, sinundo na namin ung mga kasama namin sa hotel at hinatid na ulet kami sa airport.

1st stop: Eden Nature Park



2nd stop: Philippine Eagle. Si Pag asa at ako.

3rd stop: Lola Abon's pasalubong shop. 
If bibili kayo ng mga durian flavored candies, dito kayo pumunta meron pang mga free taste. Dito rin namin natry tikman ung Durian flavored ice cream.

4th stop: Statue of David

Baywalk ng Davao

Last stop: People's park


malaking version ni Pag asa


At dito natatapos ang aking trip sa Davao. More travels to come! :)
For more pictures, visit my Facebook account.