Another local destination na naman ang napuntahan ko noong September 14-17 at salamat sa Pal express para sa promo ticket papuntang Cagayan De Oro. Travel time approx. 1.5 hrs.
4 Days = 4 places
Ilang beses ko inulit ulit ung paggawa ko ng itinerary dito para mapagkasya ko sa 4 na araw ung 4 na lugar na pupuntahan namin at siyempre dapat swak pa din sa budget. Kung pupunta ka sa CDO, expect mo na ang mahabang travel time kapag pupunta ka ng Iligan, Camiguin, at Bukidnon. Sabi ko nga 'Time is gold' kapag balak mong pumunta sa lugar na to.
Travel Time from CDO city to:
Iligan City - approx. 3 hours
Camiguin - approx 2 hrs + 1 hr boat ride
Bukidnon - approx 1.5 hrs
Travel time from CDO city to Laguindingan airport: approx 1 hr
Sa next post ko na lang ilalagay ung itinerary & expenses namin para sa CDO - Iligan - Camiguin - Bukidnon trip. :)
1st day: Iligan City
Ang lugar na 'to ang tinatawag na city of majestic waterfalls. Isa sa mga kilalang falls ay matatagpuan dito at ito ay ang Maria Christina falls (natatandaan ko 'to dahil sa yamang lupa at yamang tubig na madalas na pinagaaralan sa school).First time ko din makakita ng falls at super WOW nung una kong makita ung Maria Christina lalo na ung pagbagsak ng tubig mula sa taas hanggang baba. Isa din sa mga binibisita ng mga turista ang Tinago falls, pero dapat prepared ka na bumaba at umakyat sa 240 steps na hagdanan para makarating dito. As usual, sobrang hirap umakyat..ilang calories ata nawala sakin. LOL
Suggestion ko na unahin nyo 'tong puntahan kung manggagaling kayo sa Laguindingan airport kasi on the way lang siya not like kung sa CDO city kayo manggagaling, mas mahaba ung oras na itatravel at dadaanan nyo lang ulet ung way papuntang airport.
Dalawang falls lang ang nagawa naming bisitahin at malapit ng magdilim kaya bumalik na ulet kami sa CDO city at nagcheck in sa St. Nicolas travellers inn.(good location, high speed wifi, nice staff and owner, budget friendly)
Hello Cagayan De Oro @ Laguindingan airport
on our way to Iligan city
entrance to Maria Christina falls
with Sarah, Mak, and Michelle
Maria Christina falls at the back
Forever and a day starring Sam Milby and KC Concepcion at Tinago Falls
going down..start of 240 steps.
Dahil hindi ako pwede maligo, nagphotoshoot na lang ako sa mga batuhan. :p
2nd Day: Cagayan De Oro
Kapag narinig mo ang salitang rafting, isang lugar ang papasok sa isip mo at ito ay ang CDO. First time activity ko 'tong white water rafting at medyo kinakabahan din ako sa umpisa pero nung habang tumatagal na at ilang waves na ang nadaanan namin parang nawawala na din ung takot. Take note maglagay ng sunblock bago magstart ng rafting dahil for sure masusunburn ka sa 3 hours na activity
After rafting, diretso na kami sa Balingoan port para pumunta naman sa Camiguin.
Briefing muna bago magstart
High five
ayun para kaming nilalamon ng tubig
as usual wala pa ding nahuhulog samin. :P
diving sa tubig
another rapid
at dito natatapos ang 36 rapids.
3rd Day (Part 1): Camiguin
Kilala ang lugar na 'to sa masarap na pastel (tinapay na may yema filling sa loob) at lansones. Eto ang pinakamahaba naming biyahe, 2 hours papuntang port at 1 hr naman sa roro. Kung plano nyo pumunta dito, be sure na alam nyo ung oras ng biyahe ng roro papunta at pauwi. For more info, please visit the ferry schedule here.
Mas okay kung dito na din kayo bumili ng mga pasalubong, dahil nung nasa CDO kami, wala kaming mapagbilhan ng mga pasalubong at puro sa mall kami tinuturo.
Eto ung roro na sasakyan namin papuntang camiguin
arrived at Benoni port
start of our half day tour
katibawasan falls
Kiping for 10 pesos
night swimming at ardent hot spring
good morning white island! :)
ang jumpshot *bow*
Hello Camiguin, it's nice to see you! :)
group shot
sunken cemetery
3rd Day (Part 2): Bukidnon
Huling araw na namin sa 4 na araw na bakasyon, last stop ang lugar na kilala dahil sa pinakamahabang zipline sa Pilipinas. Pineapple ang pangunahing produkto dito kaya kapag pumunta ka dito at may makita kang malaking pineapple, yun na ang sign na nasa Bukidnon ka na. Malamig din sa lugar na 'to dahil din sa mga pine trees na katulad sa Baguio. Kaya kung magzizipline ka, mararamdaman mu ung lamig ng hangin.
Big Pineapple
Me after doing the zipline
Day 4: Back to Manila
Back to reality at kelangan na naming bumalik ng Manila. 4:30 am ung wake up call na sinet ko pero mga 5:30 AM na ata kami nagising (sa sobrang sarap ng pagkakatulog namin at naempty battery ung phone ko kaya hindi tumunog ung alarm) at nagkaron pa ng konting problema dahil ung maghahatid samin sa airport ay hindi pa dumarating tapos hindi ko pa maprint yung online check in ko kaya medyo nabadtrip na din ako nuong oras na yun sa maghahatid sami dahil baka hindi kami umabot sa 7:30 AM na flight. Buti na lang mabilis magpatakbo yung driver namin at nakarating kami sa airport ng safe at on time, imagine 1 hr ung travel time pero nakarating kami dun ng mahigit 30 mins lang. :p
Overall: nakakapagod ang trip na 'to dahil na din sa malalayong distansya ng mga lugar na gusto naming puntahan, isa pa yung palagi naming hinahabol ung oras para umabot kami sa lugar na pupuntahan namin pero all worth it naman kasi nagawa naming puntahan ung 4 na lugar na yun sa 4 na araw :)
Nakatipid din ako sa trip na 'to kasi hindi ako masyadong nakabili ng pasalubong aside sa isang tshirt, pastel, at lansones na binili ko pa sa Camiguin..akala ko kasi may mapagbibilhan sa CDO na mga pasalubong kaya ayun kaunti lang ang naiuwi ko. :(
Till next travel destination! ^^,
may I know who is your travel agency that assited you? dinah
ReplyDelete@dinah - it is a DIY itinerary. :)
ReplyDeletehi, i really need your help, we'll be travelling this june, and hapon pa kami mkkrating, haays nsstressako, haha but i love your itinerary... :) is there anyway that you could send me the costs? please
ReplyDeleteHi Sheila,
ReplyDeletedito ko nilagay ung mga expenses namin -> http://belletravels.blogspot.com/2014/02/cagayan-de-oro-itinerary-and-expenses.html
I think kung hapon kayo makakarating, mas okay na next day na lang kayo magstart magtour kasi kumakain din ng oras ung pagpunta sa iligan, camiguin, or bukidnon. Feeling ko nga mas matagal pa ko nagstay sa van kesa maexplore ung city eh..haha :)
Mukha nga, pagd tlga sa byahe ano?pero worth it nmn? hapon uwi nmin, gsto ko kasi ung pinuntahan niyo...haaays...nsstress ako eh...haha well, anyway, thank you po pla... ;)
ReplyDeleteGanda naman nang experience niyo. I just spent summer this year sa Cagayan de Oro and Camiguin. We tried White Water Rafting in Cagayan which is grabe ang adventure! We also went sa Ardent Spring and White Island. Since na try nyo ang init ng Ardent, sana napuntahan niyo rin ang cold spring ng Sto. Nino. It's very refreshing at ang clear ng spring nila. May sunctuary din sila ng mga Giant Clams. We got only 3 days to travel, I wish to go back sa Cagayan at sana makakapunta na rin kami diyan sa Iligan at Bukidnon. Too bad limited lang yung time. Andami pa sana pwede puntahan.
ReplyDeleteI'm happy that you enjoyed your trip to Cagayan de Oro. If ever you visit again, don't forget to buy their famous pasalubong goodies like pastel, SLERS chicharon and the new one's like pineapple crumble pie and dulcetta.
ReplyDeleteHi Belle! I'm planning to follow your suggestion of going straight to Iligan first. But my concern is where can we leave our bags while we visit the falls since our hotel is in CDO. In your case, where did you leave your bags?
ReplyDeleteHi Joan! nagrent kami ng private car para sa whole trip namin, bale sa sasakyan na lang namin iniwan gamit namin. :)
ReplyDeletehello po... how much po yung pag rent nyo ng private car? and any contacts po?
ReplyDeleteHow much po ung rent nyo? And pwede po bng humingi ng contact number?
ReplyDelete