Due to bad weather condition sa HK, nasira yung supposed to be itinerary namin. Mostly ng mga places na gusto kong mapuntahan for the first time ay hindi namin napuntahan dahil na din sa walang tigil na pagulan. (Anyways, meron pa namang next time..ipon ipon na lang ulet). Kahit umulan man o umaraw, enjoy pa din.
Day 1: Arrival in Hong Kong International Airport
5:40 am ang ETD namin papuntang Hong Kong at around 3:00 am kami umalis mula sa aming bahay hanggang sa airport. As usual, bago ka makarating sa boarding gate madami ka munang dadaanan. Buti na lang nakapag online check in na ko for free sa website ng Cebu pacific kaya pagdating dun check in baggage na lang.
FYI:
Step 1: Pay travel tax (1620/adult + 200 processing fee)
Step 2: Go to Cebu Pacific counter / check in your baggage
Step 3: Pay terminal fee (550/adult)
Step 4: Go to immigration
around 8:00 am kami nakalapag sa HK airport, dumaan sa immigration then kinuha ung mga baggage and were ready to go!
From Airport bumili muna kami ng octopus card na gagamitin namin para sa aming apat na araw na paglalakbay. Tapos dumiretso na kami sa terminal ng mga bus, sumakay sa A21 papuntang Mong kok kung saan kami magsstay. Estimated 1 hour ung biyahe namin at dahil first time matry magbus ayun lumagpas kami, from bus stop # 7 napunta kami sa bus stop # 9. Naligaw pa tuloy kami kakahanap sa 7th stop kung san malapit ung guesthouse namin, buti na lang natulungan kami nung isang netizen dun kung san ang way papunta dun sa building na hinahanap namin.
A21 bus to/from :
Airport Passenger Terminal, Lantau Link Toll Plaza, Hoi Lai Estate / AquaMarine, Sham Shui Po (Nam Cheong / Fu Cheong), Tai Kok Tsui, Prince Edward, Mong Kok, Yau Ma Tei, Jordan, Tsim Sha Tsui / Hung Hom Station
Nagstay kami sa Rail Lei Hotel, from Bus stop # 7 (Bank Centre), baba kayo dun tas maglakad kayo backwards for about 30 seconds at makikita nyo ung Rex building. Akyat kayo dun sa building then may 2 elevators, ung isa ay even numbers at ung isa ay odd numbers. Reception is on the 4th floor kaya dun kami sa even numbers na elevator. Nisettle namin ung bill namin at nagdeposit ng 100 hkd para sa susi.
Review: Good location, spacious room for 6 adults, near ladies market. :)
Dahil nga umuulan, hindi na kami tumuloy sa 1st day tour namin sa The peak. Pumunta na lang kami sa Langham place malapit sa hotel namin para kumain ng lunch at dumiretso sa Tsim sha tsui para kunin ang mga discounted tickets namin sa Golden Crown. Kinagabihan, nagLadies market na lang kami para bumili ng pasalubong.
From airplane, sumakay kami ng aerobus papunta sa arrival area
feeling turista :)
papuntang immigration
after dumaan sa immigration at makuha ang mga bagahe
Octopus card for 150 hkd
MTR map
Bus going to Mong Kok
@ double decker bus
Lunch @ Langham Place
going to Tsim Sha Tsui
night market
Day 2: Hong Kong DisneylandHappy kid indeed! As usual, hindi mawawala ung Disneyland sa itinerary namin. Kahit walang tigil ang ulan, hindi pa rin ako magpapapigil magpakuha ng picture kay Mickey mouse and friends! :)
Para sa 2nd day, plano muna naming magLantau island, sumakay sa cable car, at makita si Big Buddha. pero dahil mas sumama ang panahon ng araw na yun, hindi muna nila inoperate ung cable car. May option kami magantay gang 12:30 pm or pwedeng irefund na lang ung bayad namin. Pinarefund na lang namin ung bayad namin at dumiretso na kami sa Disneyland. From Ngong Ping, sumakay ulet kami ng train papuntang sunny bay station at dun kami lilipat ng train papuntang Disneyland resort station.
Kahit umuulan, picture picture pa din. Sad lang kasi hindi din nila inooperate ung mga outdoor rides nung time na yun, wala din kaming nakitang parade, at siyempre hindi din namin nakita ung fireworks display. :(
Around 4:00 pm lumalakas na naman ang ulan kaya maaga kaming umalis ng Disneyland at bumalik na sa aming hotel para makapagpahinga dahil masakit na mga paa namin. :))
wefie muna bago pumunta sa cable car
ang walang tigil na ulan :(
me @ Ngong Ping
going to Disneyland resort via train
wefie sa Disneyland train
Disneyland tickets
umuulan pa din :(
kahit maulanan picture pa din! :))
w/ minnie mouse
w/ toy story characters
w/ winnie the pooh
w/ mickey mouse
w/goofy
w/pluto
4D experience
selfie muna as minnie mouse <3
ang remembrance ko sa Disneyland! :)
the sad part. :( Bye Disneyland!
Happiest place on earth! :)
Day 3: Day tour in Macau
Para sa ikatlong araw, maganda na ang panahon sa Hong Kong pero maulan pa din sa Macau (oh well! wrong timing ung punta namin) 11:45 am ang departure namin from Shun tak center (HK) - Taipa (Macau). About 1 hour din yung biyahe at sinalubong pa din kami ng ulan. From Taipa terminal, maraming free shuttle bus na nagaantay. Para sa aming 1st stop, sumakay kami sa Venetian bus para ibaba kami sa Venetian hotel.
"WOW! ang ganda!" yan ang masasabi ko sa Venetian hotel. If nanunuod kayo ng Boys over flower na korean drama starring Lee Min Ho as Gu Jun Pyo, ito ung place kung saan sila nagshoot nung mga scenes like ung heartbreaking scene nila ni Geum Jan Di sa bridge. (fanatic talaga!)
After namin maikot ung Venetian hotel, nagdecide na sila bumalik sa HK. Hay naku ulan, sirang sira itinerary ko! T_T
ayun oh! good weather na sa HK.
@ Shun Tak Centre
going to Macau
while waiting sa aming boarding
@ Cotai Water Jet
Bye HK! Hello Macau! :)
ang maulang day 3. :(
from Venetian bus to Venetial hotel
the beautiful Grand Canal at Venetian Hotel. <3
as usual selfie ulet. :)
Sight seeing na lang muna ulit dahil malakas ang ulan. :(
@ Avenue of Stars
hulaan nyo kung ano sinasayaw nila. :)
@ Ladies Market again and again
Day 4: Good bye Hong Kong
Sumakay ulet kami sa A21 bus papuntang airport, nagcheck in, nirefund ang octopus card, at nagbreakfast sa Mcdonalds. 10:40 am ang ETD namin sa Hong Kong at around 1 pm na kami nakarating ng Manila. At winelcome ako ng sobrang init na panahon sa Pinas!
Time to say goodbye again! :(
hindi naubos ung pocket money ko! :D
at dito natatapos ang 4 days adventure namin sa HK with family, be back here again soon at pramis itatapat ko na sa hindi maulan na season! :))
No comments:
Post a Comment