Showing posts with label singapore. Show all posts
Showing posts with label singapore. Show all posts

2012/07/01

Trip to Singapore: DIY Itinerary

From my previous post, kinuwento ko yung mga ginawa namin sa SG from day 1 to day 5 at ngayon ikukuwento ko kung pano ko nagawang planuhin 'tong singapore trip namin ng hindi kelangan ng travel agency. :)

February 2012: Yung papa ko ang laging nagsesend sakin ng mga text messages ng Cebu Pacific kapag may lalabas silang promo, 2 hrs bago nila ibroadcast sa site nila tas ako naman ang ginagawa ko inaantay ko ung paglabas nugn promo then magbobook na ko agad online. Kaya mas ok talaga na may credit card kang hawak everytime na magpupurchase ka ng ticket online.

roundtrip ticket: PHP 12,000 ++ / good for 3 pax.

March 2012: Nagstart na kong gumawa ng draft ng itinerary namin, medyo madali lang siyang gawin kasi kumukuha din ako ng idea sa mga travel agency sa tuwing humihingi ako ng quotations kung magkano ung land arrangement nila for 5d/4n and also ung budget na din kung magkano ung nagagastos kapag sa agency at kapag ako mismo ung nagayos. Madami din akong tinitignan na sites na nagbibigay ng discounts sa hotel like Agoda.com, Hotels.com, etc. Kung pursigido ka makakita ng maganda at murang hotel, dapat din ay masipag kang magresearch at magbasa basa sa mga forums site. Naging basehan ko din ung mga advise ng mga travellers sa Tripadvisor. Super helpful siya kasi makakakuha ka ng tips + makikita mo ung inside look nung hotel kung maganda or panget + may ranking din sila kung excellent or poor ung hotel.  :) and also, tinitignan ko din ung mismong site nung hotel if may promotions din sila, and luckily nakakuha ako ng 3 nights promo for only $360 + additional fee for 1 night .

4 nights hotel accommodation: PHP 18,000 ++

April 2012: Inuumpisahan ko ng ilista ung mga pupuntahan namin from day 1 hanggang day 5.

Itinerary for May 24-28, 2012

Day 1:
Arrival at airport
Check in at Hangout hotel
Lunch nearby hotel
Free time: go to Bugis street
Dinner at Sim Lim Square

Day 2:
Go to Universal Studios by morning
Dinner at Vivo City
Go to Marina bay sands by evening

Day 3:
Go to Orchard road by morning
Visit Chinatown
Dinner at Makansutra
City tour (Marina bay / Esplanade / Singapore Flyer / Merlion) by evening

Day 4:
Go to Palawan Beach Johor Bahru, Malaysia
Free time

Day 5:
Visit Little India (Mustafa Centre / City Square Mall)
Free time

May 2012: ilang araw na lang ang malapit na kaming pumunta ng Singapore. Bought 3 tickets at Universal Studios online. Swerte ko lang at may promo din ang Mastercard. $6 meal voucher and $6 retail voucher per person kapag nagpurchase ng one day tour sa Universal Studios for the same price ng regular tickets nila for weekdays.

USS tickets: PHP 6000 ++ / 3 persons

Grand Total:
roundtrip ticket: PHP 12,000 ++ / good for 3 pax.
4 nights hotel accommodation: PHP 18,000 ++
USS tickets: PHP 6000 ++ / 3 persons
= 36,000 ++ / 3 persons = 12,000 / pax

2012/06/13

Trip to Singapore: My 5 days trip

+1 year na naman ang lumipas at eto na naman ako at tumanda na naman. Isang masayang happy birthday na naman ang dumating at hindi lang dito sa Pilipinas ako nagcelebrate kundi sa ibang bansa, kasama ang aking mama at papa ay tumungo kami sa isa sa mga magandang lugar sa asia at yun ay ang SINGAPORE :) Salamat sa Cebu Pacific sa promo na roundtrip ticket, sa google maps at trip advisor na tumulong sakin sa paghahanap ng hotel at sa mga lugar na pedeng puntahan sa singapore. lol


ready to go..hello Singapore, bye Philippines!


shuttle going to Changi Airport Terminal 1


Inside the LRT


Sana ganto din ang train station sa Pilipinas.. Kung 1st timer ka sa SG at hindi mu sure kung pano ka sasakay sa tren, laging tatandaan na kumuha agad ng mapa ng SG at mapa ng LRT station. May option ka kung anong ticket bibilhin mo, meron silang stored value na $12? then kapag pauwi ka na pede mo na sa kanila ibalik un then bibigay nila ung refund ng pera na natitira dun sa card or pede ka din bumili sa ticketing machine nila ng single journey na magcocost around $1+. Kung hindi ka sure sa gagawin mo, meron namang mga security guards na tuturuan ka kung saan at pano pumunta sa lugar na un.


going to Little India


@ Mt. Emily Park, View outside the hotel

Day 1: Check in @ Hangout hotel



Our triple room


our fave place aside sa room namin. haha, thanks sa unli coffee! :D

Rest time muna bago kami magstart magikot ikot sa sg. :) Pagkatapos makapagpahinga, naghanap kami ng pedeng kainan na malapit sa hotel dahil hindi pa kami naglulunch simula nung dumating kami dito at eto nga napadpad kami dito sa isang chinese restaurant na nagbebenta ng mga meals like roasted, hainanese chicken at marami pang iba.


Roasted chicken for lunch


For dinner, kumain kami sa food court ng Sim Lim Square and ordered this one, around $4 busog na ang tiyan mo. :)

@ Sim Lim Square foodcourt

Then after magpakabusog, nagikot ikot kami and nagshopping dito sa Bugis street, bumili ng pasalubong at kung anu-ano pa. :)


largest street shopping location in sg


ikot-ikot sa loob at hanap ng t-shirts, keychains, bags..

1st day pa lang ay parang last day na namin, medyo nabawasan na din ung dala naming pocket money dahil sa kabibili ng mga pasalubong..haha

Day 2: Belle's day and Hello Universal Studios :)


Wearing our I <3 SG t-shirt (na binili sa bugis street for $10 each). Going to harbourfront station


Picture-picture muna sa taas ng Vivo city bago pumunta sa Universal Studios




riding a train for $3/pax going to Sentosa




Hello Universal Studios! :)



Bought our USS tickets online and got $18 meal and $18 retail vouchers. Thanks sa promo! :)


map of USS, let the rides begin! :)

our 1st ride. Madagascar ride.


roller coaster ride w/ mama



@ Waterworld


lunch time and bought this fried chicken with tofu and a free gelatin dessert.


@ revenge of the mummy, sorry naman dun sa mga extra sa pictures..haha





eto ang one of the best na ride sa USS


me w/ bumble bee


last stop: Transformers 3D


oops..sorry hindi ko siya kilala..haha :D


w/ betty boop


hello hersheys :)


thanks for my tripod for helping me make kuha myself..haha


m&m and me..haha



lotsss of candies. \m/

By afternoon, pumunta na kami sa Vivo city para kumain ng dinner. 


Pork and egg again.


Thank you Vivo city..till next tym! :)


we ended our day going to Marina Bay Sands.


@ Marina Bay






Day 3: City tour / Picture-picture with Merlion

Mineet kami ng anak ng kaopisina ng papa ko para maging tour guide namin for our next itinerary at yun ay ang paglilibot sa city ng SG. Meet Joy and JR :)

1st stop at National Museum

@ Singapore Art Museum

@ Orchard road - lots of shopping centers (*also lots of signature brand! :))*)

meet joy (our own tourist guide @singapore) 

Free mineral water from Tommy Hilfiger

now @ Chinatown

pwede din bumili ng mga souvenirs dito like keychains for 36 pcs @ $20


@ indian temple

with Joy and JR

shrimp w/ cornflakes 

Chili crab for the win! :)

@ Makansutra..Thanks Joy and JR for the treat! :)


@ 7 PM ang liwanag pa din sa Singapore..coooool :)


Sabi ko tatry ko to, pero hindi ko natry :( $1 ice cream. :)


now @ Merlion. 1st time ko 'to nakita for real! :)

Picture-picture w/ merlion

view of esplanade (durian shape).


Marina bay by night

Bonus na ung panunuod namin ng fireworks at lightning show nung gabi pero hindi ko na nakunan dahil ung 2 camera na dala ko ay parehong nalowbat. *sad* Anyways, enjoy at pagod ang city tour.. :)

Day 4: Labas-Pasok Malaysia / Singapore Expo

Dapat sa next na itinerary namin ay pupunta kami sa Palawan beach, pero nagbago ung plan kaya napunta kami sa Johor Bahru, Malaysia. Wala akong masyadong napicturan dahil hindi naman kami nagikot-ikot dun..pumasok lang kami sa malaysia at diretso mall then nung wala na kaming magawa dun, lumabas na ulet kami ng Malaysia at bumalik ng SG..in short nagpatatak lang kami ng passport. lol at dito na din natatapos ang pagtotour samin nila Joy at JR. :)

By afternoon, diretso naman kami sa isang event sa SG na singapore expo, dahil mahilig ang tatay ko magbasa basa ng dyaryo, aun at nakita nya na may singapore expo kaso nung andun na kami, wala ung hinahanap nya na $8 DVD..pero ako nakabili ng earphones for $8..gusto ko pa bumili ng mga accessories sa laptop ko pero inisip ko na wala na kong sg dollar kaya hindi na ko pedeng magshopping..haha


@ Johor Bahru, Malaysia


Inside the immigration of Malaysia


Singapore Expo

lots of singaporeans and even tourists also visited this event in expo, parang SMX na World Trade Center


After expo, we went to Bugis again para hanapin ung bilihan ng cellphones (balak ko kasi bumili ng Iphone 4s o kaya Xperia S)..ang hirap nga lang hanapin ung lugar dahil nakalimutan kong ilagay sa bag ung mapa ko, kaya kelangan kong magtanong-tanong, un nga lang ung mga pinagtatanungan ko hindi naman alam kung nasan ung Sim Lim Square..err then nung papalapit na kami, narealized ko na eto pala ung napuntahan namin nung 1st day na nagdinner kami. :))


while walking, nakita ko 'tong Manila st. (sosyal, may manila sa sg)..haha

For our 4th day, hindi na kami masyadong ginabi ng uwi..maaga kami nakarating sa hotel at nakapagpahinga. Last day na namin kinabukasan at malapit ng magbabay sa SG. :(

Day 5: last day of shopping

our last day from our 5 days trip here in Singapore.. success ang paggawa ko ng sarili kong DIY.haha, Nagcheck out muna kami sa room namin then left our baggage sa storage room ng hotel dahil mamayang 5 pm pa ung balik namin sa Manila.

Last stop ng tour namin ang ikutin ang Little India, dahil dito lang ang location ng hotel namin kaya ginawa kong last day 'tong lugar na 'to..haha. Pumunta kami sa Mustafa Centre (bilihan ng murang imported chocolates and also perfumes) and City Square Mall kung saan dito na din nagpalipas ng oras bago bumalik ng hotel at pumunta ng airport.



@ city square


@ changi airport budget terminal, eating mcdo for merienda and waiting for our departure. :)


it's time to say goodbye to singapore..till next time :)

Nagenjoy ako sa trip ko at naging masaya ang birthday ko, isang taon ko din pinaghandaan 'to..hahaha, at sana hindi lang dito natatapos ang paglalakbay ko, marami pa sana akong mapuntahang lugar hindi lang dito sa Pilipinas pati na din sa ibang bansa. :D

For more pics, just visit my Facebook page. :)

Till next trip! :D