2013/03/17

Trip to Bohol

Sa lahat na ata ng late na nagbablog, isa na ata ako dun. November 2-5 2012 ung last travel ko sa Bohol pero ngayon ko lang nalagay dito..hahaha

Anyways, got our promo ticket from Airphil (suki na ata kami ng airline na 'to kasi lahat ng travel namin puro lang dito). We had our morning flight sa Terminal 2 (dahil join forces na ang airphil at PAL, nagkaron ako ng chance makasakay naman sa PAL going to Tagbilaran airport) and yes may meals kami dito pero don't expect too much sa food na bibigay nila sayo pero at least hindi katulad sa ibang airline, dito may makakain ka sa ilang oras at minuto mu sa eroplano..hahaha






Around 10 am nakarating na din sa Tagbilaran airport, medyo naulan pa nung paglapag ng eroplano, pero Thank God dahil nawala din siya habang bumibyahe kami papuntang Panglao. Before this trip, inayos ko na lahat ng gagawin namin dito, from the car the magpipick up samin sa airport at magtotour samin at sa hotel na tutuluyan namin sa 3 gabi namin dito (less hassle! :))

Day 1: Panglao Tour

Check in @ l'Elephant Bleu (2-3 minutes walk to the beach). Binaba muna namin ung mga gamit namin sa hotel then diretso na kami sa Panglao tour (approx 4-5hrs)

Places to visit:
Lunch at Bohol Bee Farm






After kumain, umikot ikot muna kami sa loob, bili ng mga pasalubong dun sa shop etc.



Dauis Church



strictly no shorts sa simbahan kaya binigyan kami ng sarong pangtakip

Hinagdanan Cave (for souvenirs and pasalubong, pwede na kayong bumili dito)





Bayoyoy "Forever Young"





Shell Museum





Night life at Alona Beach



Day 2: Island hopping tour

Around 6 AM gorabels na kami sa dagat. Mas ok daw sa umaga magdolphin watching dahil mga gantong oras daw naglalabasan ang mga 'to.


oooohhh..sunrise! watta good day to start :)



my travel buddy: KC


Places to visit:
Dolphin watching


ang hirap kunan ng mga dolphin, masyado silang mailap kapag lumalapit kami sa kanila..kaya dapat mabilis ung mata mu at kahit malayo pa lang kunan mu na agad..haha

Balicasag Island


hindi na namin inavail ung snorkeling sa island na 'to at ung fish feeding, nagpahinga lang kami saglit then punta na sa last na island.

Virgin Island



ang sirena ng karagatan..haha



mawawala ba ang jumpshot? haha

Last day of our night life at Alona Beach



"hindi mo alam dahil sayo ako ay..." si kuyang bata singing Pusong Bato
  



beach bumming :)

Day 3: Countryside tour (approx 6-8hrs)

Time na para umalis ng Panglao (nakakamiss magrelax kapag malapit sa beach) at magtranfer na kami sa Tagbilaran city. Before heading sa hotel namin sa Tagbilaran, nagcity tour muna kami at siyempre eto na ung moment na makikita ko ang pinagmamalaki ng Bohol na Chocolate Hills. :)




last morning na namin sa Panglao, kaya sinusulit na namin ung beach..haha




Places to visit:
Blood Compact Site



Baclayon Church




Phyton



Butterfly Sanctuary





Buffet Lunch @ Loboc River




cruising while eating



Tarsier Conservation



Manmade forest




another jumpshot! :)

Chocolate Hills



scenery papuntang chocolate hills <3



right at the top of chocolate hills (Note: magdala ng inumin dahil paniguradong mauuhaw kayo sa pagakyat)


beautiful creation :)

Shiphaus

 


Hanging Bridge



if bibili kayo ng mga delicacies from bohol like Peanut kisses, mas magandang bumili dito kesa sa ibang madadaanan nyo sa tour. Other souvenirs and pasalubong ay pwede rin mabili dito, be sure na tumawad kayo. :)

Finally were now in our hotel sa Tagbilaran city (sorry nakalimutan ko na ung tinuluyan namin dun sa tagal ng hindi ko pagbablog..hahaha).. rest rest na din at aalis na kami bukas ng hapon.

Day 4: Danao Adventure Park

Actually, hindi na talaga 'to kasama sa itinerary namin..Una..dahil malayo siya (2 hrs travel time papuntang Danao), Pangalawa..mahal ang rent ng sasakyan lalo na kung konti lang kau and that time 4 lang kami, Pangatlo..medyo pricey ung mga activities dun lalo na ang makalaglag pusong The Plunge pero sabi nga hindi ung ride ang binabayaran mu kundi ung experience mu dun lalo na kung first time mong gagawin un. Inabot lang kami ng mga 2 hours sa Danao at bumalik na ulet kami sa city (another 2 hrs travel time) then naglunch kami saglit sa may mall dun sa city then hinatid na kami ni kuya dun sa airport.


different activities na pwede mong ienjoy sa Danao


tamaaaa! :)


Eto na ata ang pinakaextreme na nagawa ko sa buhay ko, hinding hindi ko 'to malilimutan lalo na't sobrang takot at kaba naramdaman ko dito bago ako hinulog.



hindi naman halata ung takot ko db? hahaha


Yes! after mo tong gawin, bibigyan ka nila ng ceritificate for trying this activity. Plus, pwede mo din iavail ung  pics mo sa Plunge (got it for only 150/cd para saming tatlo)


at dito natatapos ang 4 days trip namin..Goodbye Bohol! :) <3
For more pics of our Bohol Trip, just visit my Facebook. :)

No comments:

Post a Comment