Hello Boracay :)
Date: March 2-5, 2013
Sa next post ko lalagay ung mga travel expenses ko dito for 4d/3n. :)
Thanks to Zest Air para sa zero fare na promo nila last year. :) Good thing at nabago din ung flight sked namin a day bago kami umalis. Originally, mga 5 pm na dapat kami aalis dito sa Manila, pero nung may biglang nagtxt sakin ung Zest Air at sinabing due to technical problem, nilipat kami si 9 pm flight which is hindi pwede dahil ung boat sa Kalibo ay hanggang 10 pm lang. Agad kong tinawagan ung Zest Air para sabihin na hindi kami pwede sa panggabing flight, very accommodate naman ung agent na nakausap ko, at buti na lang pwede namin ichange ung sked for free kaya pinaset ko ung oras ng alis namin ng medyo maaga aga.
Arrived at Kalibo airport by noon. Pagdating sa airport, meron na ding nagaantay na van na maghahatid samin papuntang Caticlan Jetty Port (1 1/2 travel time). Then sa Caticlan Jetty Port, sasakay kami ng boat para makarating naman sa Cagban port (10 mins travel time). Sa Cagban port, merong mga terminal ng tricycle (for small group) and mga mutlicab (for big group). Travel time all in all from airport to Boracay island is approx. 2 hrs.
departure from manila
Arrival at Kalibo
mga fees na dapat mong bayaran pagdating sa Caticlan Jetty Port
Welcome Boracay sign at Cagban Port
Check in sa Tans Guesthouse. Room is good for 10 persons pero dahil 11 kami, nagadd kami ng extra mattress including na ang breakfast. (Note: for credit card payment, expect na you will be charge 3% sa babayaran mu)
Day 1: lakad lakad lang from Station 2 hanggang Station 3 (1st day pa lang nang paglalakad namin kaya hindi ko pa ramdam ung pagod sa paglalakad kahit malayo)
1st shot sa tabing dagat
picture picture lang din habang naglalakad
Dinner Buffet at La Carmela
After ng mahabang paglalakad namin at magpakabusog sa buffet, bumalik na kami sa hotel para makapagpahinga.. end of our day! :)
Day 2: ATV and Helmet Diving
Another exciting day at una naming itatry ay ang ATV at Helmet Diving. Contact namin si Kuya Jojo at binigyan nya ko ng cheaper price para sa mga activities na gagawin namin. :)
going to atv site
briefing muna bago namin umpisahan ung ATV
test drive muna bago kami pumunta sa ocean tower
me w/ my ATV
going to Ocean tower
beautiful scenery of the Boracay island at the top
after ng 1 hour ride namin sa ATV, nitry naman namin ung mga free rides na Sky Cycle ride at Trick Art Museum
Going back sa station 1 para naman sa next activity namin ang Helmet Diving. :)
Habang inaantay ung boat na maghahatid samin sa helmet diving site.
1.2.3. Jump!
under the sea
Bago kayo bumaba sa ilalim, magiinstruct muna sila kung anu-ano ang mga dapat gawin sa ilalim..mga signs na isasagot mu..mga dapat mu gawin lalo na ang pagequalize na madalas kong ginagawa sa ilalim ng dagat. :)
Lunch at D'Talipapa: buy your seafoods and let the restaurant cook them for you. Recommended ko ang Natalia's kusina, superb ang sarap ng pagkakaluto sa mga seafoods na binili namin. The best! :)
.
Banana Choco Peanut shake
Next stop sa Shakey's. Ordered monster meal deal at medyo hindi na din ako masyadong makakain dahil sa busog ko dun sa dalawang shake na nainom ko.
Day 3: Flyfish, Parasailing and Puka Beach
Around 8 am ulet, mineet na ulet kami ni kuya jojo para sa mga activities namin. First stop muna namin ang Flying fish (ang activity na hindi ko na uulitin). hahaha :p
enjoying the white sand..Me as the mermaid :p
Ang nakakapagod pero exciting na flying fish
dalawang beses ata ako nahulog dito..at super nanghina ung buong katawan ko dito..hahaha
posing pa din kahit pagod na..haha
After matapos nung 2nd batch sa flying fish, diretso naman kami para sa Parasailing.
preparing to fly high!
feel na feel ang pagngiti kahit medyo kinakabahan..hahaha
up..up..and
awaaaaay.
me with KC habang nasa taas at tinitignan ang view ng Boracay island
After matapos ng dalawang activities namin, kumain ako at si KC sa Deco's and nitry namin yung original La Paz Batchoy. Habang ung iba naming kasama ay naliligo sa dagat.
La paz Batchoy for lunch
Going to Puka beach, pwede ka magrent ng mga tricycle (Good for 5 persons) for 150 one-way. Mas okay ang dagat dito kasi ramdam na ramdam mu ung hampas ng alon at napakatahimik dito if hanap mo ng place na wala masyadong tao or mga establishment.
At last nandito na kami.
Picture Picture muna Puka sign
Habang naglalakad sa buhangin..
ayun hinampas kami ng malakas na alon.
ang alon *bow*
stolen shot habang hinuhugasan ni KC ung tsinelas malapit sa tabing dagat
habang ineenjoy ang paglalakad sa buhanginan
Dahil wala akong picture sa Boracay Sand Castle, gumawa na lang ako ng sarili kong lettering ng Boracay..haha
Back to station 1, nagutom at kumain muna ng mais.
Food trip kinagabihan, bumili kami ng mga ihaw ihaw tulad ng barbecue at isaw at ang famous sa Boracay na chori burger. (Try nyo ung sweet and spicy na sauce, the best!)
Dinner at Smoke resto
Last dinner sa Boracay
Ordered chicken curry rice meal
At dito natatapos ang day 3 namin at ang huling gabi namin sa Boracay. :(
Day 4: Check out sa hotel by 7:30 am. Expect 2 hrs travel time going to Kalibo airport (Para sakin, hindi advisable na magpabook kayo ng maagang flight pauwi kung sa Kalibo ung airport nyo, better kung bandang hapon or gabi para may time ka pa magpahinga sa Boracay at may alloted time ka pa para bumili ng pasalubong sa Kalibo)
Goodbye Boracay! :)
at dito natatapos ang bakasyon grande + pagwelcome namin sa summer.
Till next time Boracay! Be back here soooon :)
No comments:
Post a Comment